Saturday, March 9, 2019

KUNG BAKIT GAS ANG KURSO KO

                "KUNG BAKIT GAS ANG KURSO KO"
        Isa ako sa maraming estudyante na pinag- aaralan ang (GAS) o General Academic Strand  ng PDNHS-SHS. Kinuha ko ang kursong GAS ngayon nasa SHS palamang ako para narin makapag-isip ako ng mabuti kung ano ba talaga ang pag-aaralan ko pagdating ko ng kolehiyo. Kasabay ng pagpili ko ng kursong GAS ay ang pag- iisip ng mabuti kung bakit GAS pinili ko sa lahat  ng kurso sa SHS .
Kinuha ko ang kursong GAS dahil alam ko sa sarili ko na dito ako nararapat dahil gulong-gulo ang isipan ko noong mga panahong ako'y namimili ng kurso sa SHS at alam kurin sa sarili ko na ito talaga ang gusto ko. Dahil lahat ng paksa na nabibilang dito alam kong matutulungan ako para sa pangarap ko.
Maraming mag-aaral ng GAS ay hindi nila alam kung ano ngaba ang gusto nila pagdating ng kolehiyo at isa na ako sa mga mag-aaral na iyon. Ako'y naguguluhan kung ano ngaba ang gusto kung kurso pagdating ko ng kolehiyo kaya mas pinili ko ang GAS para matulungan akong magdesisyon para sa pag-abot ko ng aking pangarap.
Ang GAS ay isang kursong punonng pag-aaral na marami kang matututunan ito'y isang kurso na kung saan maraming mag-aaral na pinag-aralan ang GAS. Maraming nag tatanong kung ano daw ang GAS na kurso at bakit ito kasama sa track ng senior high school ang lagi kung sinasagot ang GAS ay kurso na kung saan lahat ng mag-aaral ay pinag-aaralan ang iba't-ibang paksa mas higit na madami ang paksa sa GAS kumpara sa ilang kurso sa SHS .
Ako ay isa sa mga mag-aaral ng PDNHS-SHS na pinili ang kursong GAS kumpara sa iba para malaman ko kung hanggang saan ang kaya  ko. Nang dahil sa GAS na kurso ako'y magtatapos na punong-puno ng pag-aaral sa tulong ng GAS sa aking pag-aaral sa SHS ay masasabi kong ito ang kursong lahat mo matututunan. GASIAN kami dahil kami ay litong-lito kung ano ngaba ang gusto ko pagdating ng araw. Pagdating ng totoong pag-aaral ko sa kolehiyo ng dahil sa GAS alam kuna sa ngayon kung saan ako nabibilang . GAS ang nagturo sa akin ng totoong daan tungo sa tamang daan pamunta sa aking mga pangarap , mahirap man ang pag-aralan ang kursong ito dahil sa rami ng paksa ngunit masasabi kong ito'y lubos na naka tulong sa akin para malaman ko ng maaga ang posibleng buhay ko pagdating ng araw. Isang nakapakasayang pasasalamat ko dahil sa ito ang pinili ko marami akong natutunan na hinding- hindi ko malilimutan. Sa tulong ng mga guro ang sa aking mga kaklase ng dalawang taon sa SHS at sa GAS na kurson aming pinag-aralan maraming salamat sa gabay hanggang sa muli . PAALAM

AKO NGAYON AT KINABUKASAN

                         "AKO NGAYON AT KINABUKASAN"

          Sana sa paglipas ng nakapakaraming araw ay hindi ka magbago marami man akong maling nagawa sayo gusto kung humingi ng patawad sayo. Sa darating na hinaharap alam kung malawak na ang iyong isipan , sa mga hamon na haharapin mo sa buhay sa hirap at ginhawa alam mong ikaw lang ang makakatulong sayo para malagpasan kung ano ka ngayon.
         Sa darating na hinaharap magpakatatag kalang , lagi mong tatandaan na maraming tao ang nagmamahal sayo. Minsan ng nawalan ng saysay ang buhay mo diba?. Pero lumaban ka para makabangon ulit sa hirap ng pinagdaanan mo hindi ka nagpatalo, minsan kanang nawalan ng tiwala sa sarili mo pero hindi ka iniwan ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sayo sa oras na hindi muna alam ang takbo ng buhay mo. Sa mga nagawa mong maling desisyon natuto ka kung paano ito gawing tama, pangarap ay aabutin hindi para sa akin kundi para sa amin. Ginhawa ay makakamtan ko dulot ng hirap at pagod pagdating ng panahon.
     Sa darating na  hinaharap handa na akong hamunin o subukin ang hamon sa akin ng buong may kapal, kung ano man ang pagsubok na aking tatahakin kakapit ako hanggan ito ay aking mapagtagumpayan. Minsan na akong bumitaw sa pangarap ko pero sa panahong ito kakapit ako ng mahigpit para sa pamilya ko sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko.
     Sa darating na hinaharap alam kong mas magiging mabuting anak kapa na kahit hindi mo maabot lahat ng pangarap nila may isang pangarap sila na ibibigay mo sa kanila ay yun ang makapagtapos ka. Magbabago man ang magiging galaw ng buhay mo dahil ito sa may naabot kana,pangarap mong pinaghirapan abutin pero sulit dahil sa ito'y iyong napagtagumpayan. Gusto ko na dumating ang araw na ito, ang araw na kung saan hindi na ako nag-aaral at may mabuting trabaho. Mga araw na hindi na kailangan ng magulang ko ang mag trabaho dahil sa ako mismo ang magbibigay sa mga pangangailang ng pamilya ko.
      Ikaw ay magiging isang mabuting taong may paninindigan sa buhay may tiwala sa sarili at higit sa lahat may napatunayan at narating ng pangarap ng iyong mga magulang. Makalipas ang mahabang panahon mas magiging mabuting tao kapa kumpara ngayon na minsan walang saysay  ang kwento ng buhay mo. Sa araw na ito alam kung aalalahanin mo kung ano ka noon at ngayon magbago man ang lahat pero ikaw at ikaw parin ang taong punong-puno ng pangarap magpakatatag kalang sa lahat ng hamon sayo sa buhay . Hinding-hindi kana mahina kailan man. " NO ONE LIVES FOREVER SO BE SURE TO CHERISH EVERY MOMENT" .

PAANO AT BAKIT NANGYARI KOMUNIDAD

            "PAANO AT BAKIT NANGYARI KOMUNIDAD"
Sa barangay na ito makikita mo ang napakagandang tanawin ito'y iyong mapuntahan alaalang hinding-hindi mo makakalimutan sarap sa pakiramdam inyong mararamdaman. Ang ganda ng tanawin na dito mulang matatagpuan sa barangay na ito inyong makikita ang iba't-ibang tanawin kay sarap pagmasdan ang mga berdeng tanawin mga bundok na iba't-iba ang mga hugis. Ika'y mapapamangha sa paglitaw at pag lubog ng araw . Malinis na tubig at may isda sa kalagitnaan ng rumaragusnos na tubig ilog ito'y malayo sa bayang sinasajupan ng Pio Duran .
      Mga taong may mga mabubuting ugali dito mo makikita hanap buhay nila ay sa bukid pero ito'y sagana sa produkto mabibili sa bayan ng pioduran . Medyo may kalayuan kung ito'y inyong pupuntahan walang masyadong sakayan ang pumapasok sa barangay na ito. Sa barangay na ito ay may nakatagong malalim na paliguan na dito mulang matatagpuan . Masaya ang barangay na ito nalo na kung may sayawan tuwing sabado ng gabi mga tao ay nagsasaya mapa bata at matanda ay nagkakaisa.
       Ngunit sa paglipas ng araw unti-unti ng nasisira ang lahat ng ito dahil sa lakas ng baha dulot ng kalamidad na ating nararanasan. Mga taobay hirap sa dinadaanan kung minsan lalo na pag ta ulan lakas na baha ang dumadaloy sa ilog at sa ibang palayan . Hirap sa daan papuntang bayan ang nararanasan ng mga taong nakatira dito dahil wala naman silang ibang paraan para makapuntang bayan kundi ang tawirin ang bahang dumadaloy sa ilog para makabili ng mga pangangailangan sa loob ng bayan.
       Baha ay iniinda ng karamihan dahil sila ay naglalakbay lamang patungo sa bayan . Nagtitiis ang halos kalahati ng populasyon maglakad para may matustos sa mga pangangailangan na wala sa kanilang barangay na mabibili lamang sa bayan. May mga nangako na bibigyan nila ng aksyon ang tungkol sa daan papunta sa barangay na ito ngunit sa kasamaang palad wala pang nangyayari sa pangakong kanilang isinawalat na salita. Hangad ng barangay na ito ang maayos na daan dahil para narin mabawasan anf hirap na kanilang pinagdadaanan lalo na kong tag- ulan. Daan tungo sa maayos na kaunlaran ng barangay na ito daan na magpapaluwag ngiti sa mga taong nakatira sa barangay na ito.

BUHAY SENIOR HIGH SCHOOL

                                                                         "BUHAY SHS"



         SHS o Senior High School na kung saan ito ang panibagong yugto ng buhay estudyante sa high school panibagong hamon na kailangan mapagtagumpayan ng mga mag-aaral na naghahangad makamtan ang totoong tagumpay sa buhay. Sa puntong ito ay mararanasan mo kung anong buhay ang naghihintay sayo sa kolehiyo, sa puntong ito hindi lang puro saya at lungkot ang iyong mararamdaman, ito ay magiging parehong parte ng iyong buhay sa SHS. Sabi nga nila ang SHS ay hindi biro ito ay isang napakalaking katotohanan dahil ang isang buhay SHS na estudyante ay mahirap dahil sa kailangan mong maging isang positibong estudyante na kailangan ng tiwala sa sarili para malagpasan ang ganitong yugto  sa buhay.

        Buhay SHS akala mo madali akala mo walang kahirap-hirap akala mo puro saya at walang pinoproblema, ang lahat ng akala mo sa una ay totoong ngunit akala lang pala. Hindi lahat ng bagay ay madali lalo na sa larangan ng pag-aaral kailangan mong kayanin dahil may mga taong nangangailangan sayo ang pailya mo at lalong lao na ang sarili mo. Mahirap makamtan ang totoong tagumpay, laban lang para sa ikagiginhawa ng buhay. Sa bawat pagpatak ng pawis ng ating magulang isa lang ang hangad nila sa buhay, ay ang makita kang nakangiti suot ang itim na toga na iyong inaasam tanda ng kanilang pinaghirapan. Alam natin lahat kug gaano kahirap mag-aral pero, pag ito'y ating napagtagumpayan saya ang dulot sayo ninuman hindi kayang tumbasan. Mahirap mag-aral pero mas mahirap pag walang pinag-aralan, ang diploma ang tanda ng lahat na sakripisyo ng ating mga magulang .

     Buhay SHS na hinding-hindi mo matatakasan kahit na ayaw mo itong pagdaanan wala kang magagawa kundi ito'y subukan . Huwag mong gawin biro ang pag-aaral dahil kahit kailan ito ang yaman na hinding-hindi sayo maaagaw at maipagmamalaki mo kanino man. Kung gusto mo ng tagumpay huwag susuko sa hamon ng buhay laban lang . Masaya ang buhaya senior high school kailangan mu
lang maging ikaw marami kang bagong makikilala galing sa iba't ibang paaralan at sabay-sabay niyong tatahakin ang buhay senior high school sa loob ang dalawang taon.

     As the days passed by, I experienced lots of new things in my life. I was able to eat with my classmates and teachers in what we called "  bodol fight" I have a lot of experience that mould my personality in senior high school that I can use to treasure through the journey of my life.

      Ang SHS ang nagparamdam sa aking ng magandang karanasan at nagparamdam sa akin ng saya at lungkot dahil sa mga magagandang ala-ala sa oras ng aming pagtatapos .

   

"KAKLASE"

                                                            "KAKLASE"


     Noong unang araw ng pasukan Hunyo 2018 , kasalukuyan akong Grade 12 student ng Pio Duran National High School Senior High School ng Pio Duran Albay. Mula Grade 7 hanggang Grade 11 ako ay laging nasa huling pangkat dahil narin sa ako'y tamad mag-aral ng mga panahong iyon. Noong ako'y nasa baitang labing-isa ay pinagbutihan ko talaga ang aking pag-aaral dahil narin sa may gusto akong patunayan. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong pangkat pala ako magkakaroon ng isang medalya na kung saan kasama ko ang aking Ama sa pagkuha nito.
Sobrang saya dahil nakita kong saludo ang aking pamilya dahil sa nakasama ako sa mga estudyanteng matatalino ng PDNHS-SHS. Lahat naman ng mag-aaral ay matalino ngunit tamad lang talaga mag-aral tulad ko. Sa huling taon ko sa SHS ay napabilang ako sa mga mag-aaral ng unang pangkat ito ay ang 12-A na kong saan hindi ko naman ito inaasahan sa buong buhay ko. Hindi ko pinangarap na makasama sa unang pangkat kahit kailan. Akala ko noong una ay hindi ko kayang sila ang aking kasama , dahil ang akala ko ito ang pangkat na pataasan ng grado ang gusto sa buhay, at yun ang dahilan kong bakit ayaw ko sa unang pangkat. Akala ko walang mabubuong mabuting samahan dahil sila ay nakatoon lang sa pag-aaral para kasama sila sa mga estudyanteng may karangalan sa pagtatapos ng pasukan.
Akala ko lahat aral lang ang mga ginagawa ng mga estudyante sa unang pangkat ngunit nagkamali nanaman ako. Lahat ng akala ko noong una sa unang pangkat ay nag- iba dahil ako mismo ang nakaranas kong paano maging isang 12-A mag-aaral. Unang pasok sa silid aralan ng 12-A takot, kaba, at iba't-ibang damdamin ang aking nararamdaman dahil ayaw kong masama sa unang pangkat kaya ganon na lamang ang aking nararamdaman. Akala ko hindi ko kaya na sila'y aking pakisamahan. Ako'y nagliban ng unang araw hapon na iyon dahil pakiramdam ko ay hindi ako nabibilang sa pangkat na ito , pero makalipas ang ilang araw unti-unti kunang nakilala ang kanilang mfa ugali. Ibang-iba sa unang akala ko ibang-iba sa inaasahan ko. Nang dahil sa 12-A naranasan ko kong paano ang maging isang totoong estudyante marami akong nasasayang ala-alang kay sarap balikan kasama sila. 12-A kami yung pangkat na minsan kalog pag nagkakaisa, seryoso pag napapagalitan tahimik pag nag-aaral maingay pagdating ng pagsusulit. Pero kadalasan kami yung pangkat na laging panalo sa mga aktibidad sa aming paaralan. Dahil sa tiyaga at tiwala sa isa't-isa minsan lang kami matalo. Nang dahil sa pangkat na ito ngiti ay hindi ko maipinta damdamin ko sa tuwing kasama sila ay totoong kakaiba. Maraming mga alaalang nakatatak sa aking isipan mapa lungkot at saya, minsan na kaming umiyak ng sabay-sabay at patuloy na bumabangon sa poot na aming mga nararamdaman. Minsan mahirap pag nasa 12-A ka dahil mataas ang tingin sayo ng iba , pero lahat naman kami ay pantay-pantay dahil lahat kami ay estudyante pa lamang . Mga ngiti ng aming kaklase ang hinding-hindi ko malilimutan , sobrang saya dahil dito ako napabilang sa pangkat na ito na kong saan marami akong natutunan nankahit kailan hinding-hindi ko makakalimutan. Aking mga kaklaseng nakasama sa loob ng 10 buwan pamilya ang aming turingin sa loob ng silid aralan. Sa lahat ng aking kaklase i sa lahat ng 12-A ng PDNHS-SHS batch 2018-2019 salamat sa lungkot at saya nasa inyo ko totoong nadama . Isang buwan nalang paalam na masaya ako sa lahat ng alaala, alaalang hinding-hindi ko malilimutan sa loob ng 12-A. WE ARE DREAMERS 50 STUDENT OF 12-A WE LOVE YOU ALL.
SWEET SAD TO SAY GOODBYE!