Saturday, March 9, 2019

KUNG BAKIT GAS ANG KURSO KO

                "KUNG BAKIT GAS ANG KURSO KO"
        Isa ako sa maraming estudyante na pinag- aaralan ang (GAS) o General Academic Strand  ng PDNHS-SHS. Kinuha ko ang kursong GAS ngayon nasa SHS palamang ako para narin makapag-isip ako ng mabuti kung ano ba talaga ang pag-aaralan ko pagdating ko ng kolehiyo. Kasabay ng pagpili ko ng kursong GAS ay ang pag- iisip ng mabuti kung bakit GAS pinili ko sa lahat  ng kurso sa SHS .
Kinuha ko ang kursong GAS dahil alam ko sa sarili ko na dito ako nararapat dahil gulong-gulo ang isipan ko noong mga panahong ako'y namimili ng kurso sa SHS at alam kurin sa sarili ko na ito talaga ang gusto ko. Dahil lahat ng paksa na nabibilang dito alam kong matutulungan ako para sa pangarap ko.
Maraming mag-aaral ng GAS ay hindi nila alam kung ano ngaba ang gusto nila pagdating ng kolehiyo at isa na ako sa mga mag-aaral na iyon. Ako'y naguguluhan kung ano ngaba ang gusto kung kurso pagdating ko ng kolehiyo kaya mas pinili ko ang GAS para matulungan akong magdesisyon para sa pag-abot ko ng aking pangarap.
Ang GAS ay isang kursong punonng pag-aaral na marami kang matututunan ito'y isang kurso na kung saan maraming mag-aaral na pinag-aralan ang GAS. Maraming nag tatanong kung ano daw ang GAS na kurso at bakit ito kasama sa track ng senior high school ang lagi kung sinasagot ang GAS ay kurso na kung saan lahat ng mag-aaral ay pinag-aaralan ang iba't-ibang paksa mas higit na madami ang paksa sa GAS kumpara sa ilang kurso sa SHS .
Ako ay isa sa mga mag-aaral ng PDNHS-SHS na pinili ang kursong GAS kumpara sa iba para malaman ko kung hanggang saan ang kaya  ko. Nang dahil sa GAS na kurso ako'y magtatapos na punong-puno ng pag-aaral sa tulong ng GAS sa aking pag-aaral sa SHS ay masasabi kong ito ang kursong lahat mo matututunan. GASIAN kami dahil kami ay litong-lito kung ano ngaba ang gusto ko pagdating ng araw. Pagdating ng totoong pag-aaral ko sa kolehiyo ng dahil sa GAS alam kuna sa ngayon kung saan ako nabibilang . GAS ang nagturo sa akin ng totoong daan tungo sa tamang daan pamunta sa aking mga pangarap , mahirap man ang pag-aralan ang kursong ito dahil sa rami ng paksa ngunit masasabi kong ito'y lubos na naka tulong sa akin para malaman ko ng maaga ang posibleng buhay ko pagdating ng araw. Isang nakapakasayang pasasalamat ko dahil sa ito ang pinili ko marami akong natutunan na hinding- hindi ko malilimutan. Sa tulong ng mga guro ang sa aking mga kaklase ng dalawang taon sa SHS at sa GAS na kurson aming pinag-aralan maraming salamat sa gabay hanggang sa muli . PAALAM

No comments:

Post a Comment