"AKO NGAYON AT KINABUKASAN"
Sana sa paglipas ng nakapakaraming araw ay hindi ka magbago marami man akong maling nagawa sayo gusto kung humingi ng patawad sayo. Sa darating na hinaharap alam kung malawak na ang iyong isipan , sa mga hamon na haharapin mo sa buhay sa hirap at ginhawa alam mong ikaw lang ang makakatulong sayo para malagpasan kung ano ka ngayon.
Sa darating na hinaharap magpakatatag kalang , lagi mong tatandaan na maraming tao ang nagmamahal sayo. Minsan ng nawalan ng saysay ang buhay mo diba?. Pero lumaban ka para makabangon ulit sa hirap ng pinagdaanan mo hindi ka nagpatalo, minsan kanang nawalan ng tiwala sa sarili mo pero hindi ka iniwan ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sayo sa oras na hindi muna alam ang takbo ng buhay mo. Sa mga nagawa mong maling desisyon natuto ka kung paano ito gawing tama, pangarap ay aabutin hindi para sa akin kundi para sa amin. Ginhawa ay makakamtan ko dulot ng hirap at pagod pagdating ng panahon.
Sa darating na hinaharap handa na akong hamunin o subukin ang hamon sa akin ng buong may kapal, kung ano man ang pagsubok na aking tatahakin kakapit ako hanggan ito ay aking mapagtagumpayan. Minsan na akong bumitaw sa pangarap ko pero sa panahong ito kakapit ako ng mahigpit para sa pamilya ko sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko.
Sa darating na hinaharap alam kong mas magiging mabuting anak kapa na kahit hindi mo maabot lahat ng pangarap nila may isang pangarap sila na ibibigay mo sa kanila ay yun ang makapagtapos ka. Magbabago man ang magiging galaw ng buhay mo dahil ito sa may naabot kana,pangarap mong pinaghirapan abutin pero sulit dahil sa ito'y iyong napagtagumpayan. Gusto ko na dumating ang araw na ito, ang araw na kung saan hindi na ako nag-aaral at may mabuting trabaho. Mga araw na hindi na kailangan ng magulang ko ang mag trabaho dahil sa ako mismo ang magbibigay sa mga pangangailang ng pamilya ko.
Ikaw ay magiging isang mabuting taong may paninindigan sa buhay may tiwala sa sarili at higit sa lahat may napatunayan at narating ng pangarap ng iyong mga magulang. Makalipas ang mahabang panahon mas magiging mabuting tao kapa kumpara ngayon na minsan walang saysay ang kwento ng buhay mo. Sa araw na ito alam kung aalalahanin mo kung ano ka noon at ngayon magbago man ang lahat pero ikaw at ikaw parin ang taong punong-puno ng pangarap magpakatatag kalang sa lahat ng hamon sayo sa buhay . Hinding-hindi kana mahina kailan man. " NO ONE LIVES FOREVER SO BE SURE TO CHERISH EVERY MOMENT" .
No comments:
Post a Comment