"PAANO AT BAKIT NANGYARI KOMUNIDAD"
Sa barangay na ito makikita mo ang napakagandang tanawin ito'y iyong mapuntahan alaalang hinding-hindi mo makakalimutan sarap sa pakiramdam inyong mararamdaman. Ang ganda ng tanawin na dito mulang matatagpuan sa barangay na ito inyong makikita ang iba't-ibang tanawin kay sarap pagmasdan ang mga berdeng tanawin mga bundok na iba't-iba ang mga hugis. Ika'y mapapamangha sa paglitaw at pag lubog ng araw . Malinis na tubig at may isda sa kalagitnaan ng rumaragusnos na tubig ilog ito'y malayo sa bayang sinasajupan ng Pio Duran .
Mga taong may mga mabubuting ugali dito mo makikita hanap buhay nila ay sa bukid pero ito'y sagana sa produkto mabibili sa bayan ng pioduran . Medyo may kalayuan kung ito'y inyong pupuntahan walang masyadong sakayan ang pumapasok sa barangay na ito. Sa barangay na ito ay may nakatagong malalim na paliguan na dito mulang matatagpuan . Masaya ang barangay na ito nalo na kung may sayawan tuwing sabado ng gabi mga tao ay nagsasaya mapa bata at matanda ay nagkakaisa.
Ngunit sa paglipas ng araw unti-unti ng nasisira ang lahat ng ito dahil sa lakas ng baha dulot ng kalamidad na ating nararanasan. Mga taobay hirap sa dinadaanan kung minsan lalo na pag ta ulan lakas na baha ang dumadaloy sa ilog at sa ibang palayan . Hirap sa daan papuntang bayan ang nararanasan ng mga taong nakatira dito dahil wala naman silang ibang paraan para makapuntang bayan kundi ang tawirin ang bahang dumadaloy sa ilog para makabili ng mga pangangailangan sa loob ng bayan.
Baha ay iniinda ng karamihan dahil sila ay naglalakbay lamang patungo sa bayan . Nagtitiis ang halos kalahati ng populasyon maglakad para may matustos sa mga pangangailangan na wala sa kanilang barangay na mabibili lamang sa bayan. May mga nangako na bibigyan nila ng aksyon ang tungkol sa daan papunta sa barangay na ito ngunit sa kasamaang palad wala pang nangyayari sa pangakong kanilang isinawalat na salita. Hangad ng barangay na ito ang maayos na daan dahil para narin mabawasan anf hirap na kanilang pinagdadaanan lalo na kong tag- ulan. Daan tungo sa maayos na kaunlaran ng barangay na ito daan na magpapaluwag ngiti sa mga taong nakatira sa barangay na ito.
No comments:
Post a Comment