"BUHAY SHS"
SHS o Senior High School na kung saan ito ang panibagong yugto ng buhay estudyante sa high school panibagong hamon na kailangan mapagtagumpayan ng mga mag-aaral na naghahangad makamtan ang totoong tagumpay sa buhay. Sa puntong ito ay mararanasan mo kung anong buhay ang naghihintay sayo sa kolehiyo, sa puntong ito hindi lang puro saya at lungkot ang iyong mararamdaman, ito ay magiging parehong parte ng iyong buhay sa SHS. Sabi nga nila ang SHS ay hindi biro ito ay isang napakalaking katotohanan dahil ang isang buhay SHS na estudyante ay mahirap dahil sa kailangan mong maging isang positibong estudyante na kailangan ng tiwala sa sarili para malagpasan ang ganitong yugto sa buhay.
Buhay SHS akala mo madali akala mo walang kahirap-hirap akala mo puro saya at walang pinoproblema, ang lahat ng akala mo sa una ay totoong ngunit akala lang pala. Hindi lahat ng bagay ay madali lalo na sa larangan ng pag-aaral kailangan mong kayanin dahil may mga taong nangangailangan sayo ang pailya mo at lalong lao na ang sarili mo. Mahirap makamtan ang totoong tagumpay, laban lang para sa ikagiginhawa ng buhay. Sa bawat pagpatak ng pawis ng ating magulang isa lang ang hangad nila sa buhay, ay ang makita kang nakangiti suot ang itim na toga na iyong inaasam tanda ng kanilang pinaghirapan. Alam natin lahat kug gaano kahirap mag-aral pero, pag ito'y ating napagtagumpayan saya ang dulot sayo ninuman hindi kayang tumbasan. Mahirap mag-aral pero mas mahirap pag walang pinag-aralan, ang diploma ang tanda ng lahat na sakripisyo ng ating mga magulang .
Buhay SHS na hinding-hindi mo matatakasan kahit na ayaw mo itong pagdaanan wala kang magagawa kundi ito'y subukan . Huwag mong gawin biro ang pag-aaral dahil kahit kailan ito ang yaman na hinding-hindi sayo maaagaw at maipagmamalaki mo kanino man. Kung gusto mo ng tagumpay huwag susuko sa hamon ng buhay laban lang . Masaya ang buhaya senior high school kailangan mu
lang maging ikaw marami kang bagong makikilala galing sa iba't ibang paaralan at sabay-sabay niyong tatahakin ang buhay senior high school sa loob ang dalawang taon.
As the days passed by, I experienced lots of new things in my life. I was able to eat with my classmates and teachers in what we called " bodol fight" I have a lot of experience that mould my personality in senior high school that I can use to treasure through the journey of my life.
Ang SHS ang nagparamdam sa aking ng magandang karanasan at nagparamdam sa akin ng saya at lungkot dahil sa mga magagandang ala-ala sa oras ng aming pagtatapos .
No comments:
Post a Comment