Saturday, March 9, 2019

"KAKLASE"

                                                            "KAKLASE"


     Noong unang araw ng pasukan Hunyo 2018 , kasalukuyan akong Grade 12 student ng Pio Duran National High School Senior High School ng Pio Duran Albay. Mula Grade 7 hanggang Grade 11 ako ay laging nasa huling pangkat dahil narin sa ako'y tamad mag-aral ng mga panahong iyon. Noong ako'y nasa baitang labing-isa ay pinagbutihan ko talaga ang aking pag-aaral dahil narin sa may gusto akong patunayan. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong pangkat pala ako magkakaroon ng isang medalya na kung saan kasama ko ang aking Ama sa pagkuha nito.
Sobrang saya dahil nakita kong saludo ang aking pamilya dahil sa nakasama ako sa mga estudyanteng matatalino ng PDNHS-SHS. Lahat naman ng mag-aaral ay matalino ngunit tamad lang talaga mag-aral tulad ko. Sa huling taon ko sa SHS ay napabilang ako sa mga mag-aaral ng unang pangkat ito ay ang 12-A na kong saan hindi ko naman ito inaasahan sa buong buhay ko. Hindi ko pinangarap na makasama sa unang pangkat kahit kailan. Akala ko noong una ay hindi ko kayang sila ang aking kasama , dahil ang akala ko ito ang pangkat na pataasan ng grado ang gusto sa buhay, at yun ang dahilan kong bakit ayaw ko sa unang pangkat. Akala ko walang mabubuong mabuting samahan dahil sila ay nakatoon lang sa pag-aaral para kasama sila sa mga estudyanteng may karangalan sa pagtatapos ng pasukan.
Akala ko lahat aral lang ang mga ginagawa ng mga estudyante sa unang pangkat ngunit nagkamali nanaman ako. Lahat ng akala ko noong una sa unang pangkat ay nag- iba dahil ako mismo ang nakaranas kong paano maging isang 12-A mag-aaral. Unang pasok sa silid aralan ng 12-A takot, kaba, at iba't-ibang damdamin ang aking nararamdaman dahil ayaw kong masama sa unang pangkat kaya ganon na lamang ang aking nararamdaman. Akala ko hindi ko kaya na sila'y aking pakisamahan. Ako'y nagliban ng unang araw hapon na iyon dahil pakiramdam ko ay hindi ako nabibilang sa pangkat na ito , pero makalipas ang ilang araw unti-unti kunang nakilala ang kanilang mfa ugali. Ibang-iba sa unang akala ko ibang-iba sa inaasahan ko. Nang dahil sa 12-A naranasan ko kong paano ang maging isang totoong estudyante marami akong nasasayang ala-alang kay sarap balikan kasama sila. 12-A kami yung pangkat na minsan kalog pag nagkakaisa, seryoso pag napapagalitan tahimik pag nag-aaral maingay pagdating ng pagsusulit. Pero kadalasan kami yung pangkat na laging panalo sa mga aktibidad sa aming paaralan. Dahil sa tiyaga at tiwala sa isa't-isa minsan lang kami matalo. Nang dahil sa pangkat na ito ngiti ay hindi ko maipinta damdamin ko sa tuwing kasama sila ay totoong kakaiba. Maraming mga alaalang nakatatak sa aking isipan mapa lungkot at saya, minsan na kaming umiyak ng sabay-sabay at patuloy na bumabangon sa poot na aming mga nararamdaman. Minsan mahirap pag nasa 12-A ka dahil mataas ang tingin sayo ng iba , pero lahat naman kami ay pantay-pantay dahil lahat kami ay estudyante pa lamang . Mga ngiti ng aming kaklase ang hinding-hindi ko malilimutan , sobrang saya dahil dito ako napabilang sa pangkat na ito na kong saan marami akong natutunan nankahit kailan hinding-hindi ko makakalimutan. Aking mga kaklaseng nakasama sa loob ng 10 buwan pamilya ang aming turingin sa loob ng silid aralan. Sa lahat ng aking kaklase i sa lahat ng 12-A ng PDNHS-SHS batch 2018-2019 salamat sa lungkot at saya nasa inyo ko totoong nadama . Isang buwan nalang paalam na masaya ako sa lahat ng alaala, alaalang hinding-hindi ko malilimutan sa loob ng 12-A. WE ARE DREAMERS 50 STUDENT OF 12-A WE LOVE YOU ALL.
SWEET SAD TO SAY GOODBYE!

No comments:

Post a Comment